Ganyan ako nitong mga nakaraang araw.Wala naman akong tinirang gamot. Panggabi kasi ako at nagti-train sa bago kong trabaho. Ang hirap palang mag-adjust. Hindi ko ma-absorb at ma-digest yung sinasabi ng trainor. Minsan nakaidlip ako eh bawal na bawal yun. Nahuli ako ng matabang masungit na trainor, pinag-initan na ako at lagi na akong tinatawag pag may recitations. Buti na lang meron pa ako nung tinatawag nilang 'common sense' at yun ang gumagana pag natatawag ako. Mabilis ding umiikot ang mata ko sa mga mababait kong co-trainees at naisesenyas nila sakin ang sagot at thank God marunong din akong mag 'lip read'. Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila kahit walang boses na lumalabas sa kanilang mga bibig. Minus big points kasi sa assesment pag di ka nakasagot.
Naglalakad ng nakalutang ang isip.
Wala sa sarili.
Blangko ang utak.
Sabi nila sanayan lang daw. Pero ewan ko, hirap na hirap ako. Hindi rin tumatalab sakin yung mga energy drink. Pag uminom ako, ang epekto pag uwian na saka ako gising na gising at hyper. At syempre pa mahihirapan na akong makatulog. Dagdagan pa ng mga taong isip ng isip sakin (feeling ...nyahahaha) , kaya ayan ang kinalabasan, kulang sa tulog, wala sa ayos!
Sabi ng isang kaibigan, samahan nya daw ako sa clinic at magpareseta ng 'sleeping pills'. Sagot ko, pag ganitong 'heartbroken' ako eh baka tirahin ko lahat at gustuhin ng di magising. Natakot ata at gatas na lang daw inumin ko. At syempre pa meron ding nagpayo na magbilang daw ako ng walang kamatayang mga tupa. Hindi rin epektib.
Ewan ko. Okey lang sigurong gising at kulang sa tulog, maglakad ng parang laging may tama, lumulutang ang isip kahit pa wala sa ayos...
Kasi darating ang panahon na wala na tayong gagawin kundi forever matulog...
Tingin niyo?
8 have spoken:
hi toni.. it'l get better..
some nice things are meant for you.
wait nga lang daw.
surprise kasi.. :)
a pleasant surprise I'm sure.
pwede ka din maglaslas ng pulso. suggestion lang ha ha
try mo kayang mag-gatas. hehehe! o di kaya kape. meron akong kakilala kape ang pampatulog. hehehe!
magbilang ng tupa? alam ko sa mga bata lang yun. hehehe! emotionally stressed ka kaya siguro di ka makatulog. hmmm...
mahirap yan. para kang zombie. hehehe!
Ganyan ako nitong mga nakaraang araw.
Naglalakad ng nakalutang ang isip.
Wala sa sarili.
Blangko ang utak.
--parehong-pareho tayooo...
:)
ha ha ha mas gusto ko parin ang gising kahit may tama...pag napagod tulog,basta mag alarm lang para magising.hehehe:)
i'd rather sleep right...it makes you effective in any way... hehe
@madjik
yeah, un na nga lang gawin ko...maghintay...alang choice eh.hahaha!
@abou
sabi ko gusto ko lang makatulog!di magpakamatay!morbid mo! nyahahaha!
@roneiluke
di tumatalab ang gatas and coffee sakin eh...sex kaya? puwedeng pampatulog??? (curious lang naman) nyahahahaha
@joshmarie
buti na lang di ako nag-iisa! :D
@kuya ever (kuya talaga)
yun nga ang problema, ala akong alarm...sigaw lang ng mama ko pampagising ko...:D
@lance
yeah un nga gusto ko ang makatulog...pero hirap nga eh.may alam ka bang solusyon? hehe
@RONeiluke, RN:
hahaha.
@Toni:
masyado kalang maraming iniisip... sabi ko naman sau, itigil mo na yan.
free your mind and your ass will follow. wala lang, naisip ko lang.
Post a Comment