10 True random things about me daw....ano ano nga ba?
1. In love pa rin ako sa taong ikakasal na...
2. I started working when I was 16, nag umpisa sa mga food chains (Jollibee, Mcd0, etc). Tapos lahat ng paging companies ( Easycall, Infopage, Index 152), working student kasi ako.
3. Nag OJT ako sa 97.1 DWLS FM, tagabasa ng newsflash and taga answer ng phonecalls.
4. I worked my way through college. Ako nagpaaral sa sarili ko kaya medyo matagal bago ako naka graduate pero that is something that I really am proud of.
5. Nakapunta na ako sa Davao, Cebu, Naga, Tuguegarao, Pangasinan, Pampanga, Baguio, Sagada, Boracay, Puerto Galera, at sa Penang, Malaysia. Courtesy ng dati kong trabaho.
6. Ako breadwinner samin kaya di pa rin ako nag-aasawa...hahaha!
7. I love kids. Sobra. Sumasama ako sa mga charity works na involve ang mga kids kasi wala naman akong maibibigay kundi time lang.
8. I have a big heart. Pag meron ako bigay lang ako ng bigay. Kaya lang nadi-disappoint ako minsan kasi pag ako na wala, wala akong makuhanan..ganun ata talaga..hahaha!
9. Di ako pihikan sa pagkain. Kahit ano kakainin ko basta edible.
10. Last but not the least..muka akong mataray pero sobrang bait ako hahaha...open minded ako. Mahaba ang patience and I always think of the positive side of the person even if he/she did me wrong. Hahanapan ko ng dahilan bakit nya nagawa.
So ayan, sorry bloomiful now lang ha. Love ya lil' sis!
Savings Unveiled: Exploring Weeklyad.sale
1 year ago
5 have spoken:
hanga ako sa mga working students :) you should be proud...:)
"1. In love pa rin ako sa taong ikakasal na..."
parang bagay yata yung kanta ni Jessa... hehehe.
Gusto ko din dati mag work sa food chain nung istudent pa lang ako kaso ang hirap sa schedule ko kaya ayun wala nangyari hehehe.
galing mo naman.. breadwinner ka pala usu. nman ang mga panganay ganyan talaga, kaya ako kailangan ko nang mag-abroad!
hindi klaro yung no. 1 mo ah.. inlove sa mga taong ikakasal???
hehe, cheers!
nung nag-aaral pa ko gusto ko sana magtrabaho sa isang radio station.. parang ang saya ng lifestyle ng isang dj
nag easy call din ako dati. nagbasa din ng news sa fm dati. nag working istudent din. bagay tau? ha ha
Post a Comment