Set me free, leave me be...

Nagising akong disoriented na naman sa oras at panahon. Blanko ang isip ko. Ni hindi ko maalala kung ano ang huli kong ginawa. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko naalala ang lahat.

Nag-umpisa na naman dumaloy ang luha sa aking mga mata. Ang hapdi na sobra ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ang sakit sakit sobra. Sabihin man ng lahat na OA na pero wala akong magawa. Kahit ako mismo pakiramdam ko OA na sobra. Pero ayaw pa rin tumigil ang mga matang to sa pagluha. Ilang sandali pa nakaramdam ako ng pananakit ng sikmura. Di pa pala ako kumakain simula kahapon. Naghilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at sanay na ang mga magulang ko sa ganitong itsura ng mga mata ko. Hindi na nila ako uusisain kung bakit namamaga na naman ang mga ito.

Pinilit kong kumain kahit wala akong gana. Halos di ko malunok ang pagkain sa bibig ko. Kung pwede lang na hindi na kumain. Wala talaga akong gana.

Bakit ganito nararamdaman ko? Kahapon kasi ng mag online ako, nagulat ako ako sa nakita ko...offline messages at missed calls galing sa'yo. Sabi mo namimiss mo ako. Parang gripo ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Niyakap ko ang akin unan at nahiga. Miss na miss na kita…

Napansin kong nagbblink ang cellphone ko kaya bumangon akong muli para tignan ang cellphone ko. Nung i-check ko, “3 missed calls” galing sayo. Bakit ka tumatawag? Assuming lang ba ako na namimiss mo na akong kausap?
Nag-usap tayo sandali. Inamin ko na rin ang ilang araw ko ng nararamdaman. Masama ang pakiramdam ko. Marami akong gustong sabihin sayo… my heart is bleeding everytime na kailangan kitang i-deny… Bakit ba mahal kita? Bakit ikaw pa?

Bakit kasi hindi puwede? Bakit kung kailan feeling ko na kaya ko na, na makakalimutan din kita, andyan ka na naman...something always brings me back to you.

Gusto ko ako ang nasa tabi mo…. gusto kitang laging nakakausap… gusto kitang makasama… gusto kitang mayakap… gusto kitang alagaan… gusto kitang pagsilbihan… marami akong gustong gawin para sayo… lahat para sayo… gagawing lahat para SA'YO.

Namiss kita sobra… Iisipin ko na lang na katabi kita habang natutulog ng mahimbing. Yayakapin na lang kita kahit sa isip ko lang hanggang sa makatulog na rin ako. Sana kahit malayo ako ay maramdaman mo ang mga yakap ko… Mahal na mahal kita…

You know I always wanna hold you close but it seems too impossible cuz you’re so far from me now… and all I can do is to just keep on imagining and dreaming that someday I can make you mine…. just mine…

21 have spoken:

Anonymous said...

aw toni! ikaw ha! lagi mo akong binibigyan ng ghost bumps, este goose bumps. hehe. emotera din kase ako kaya mdeyo nakakarelate ko sayo. ganitong ganito ang mga pinagsususlat ko dati sa mga namayapa kong blog

Toni said...

@josha
hi sis! ang sakit sakit.ang hirap nyang kalimutan.

Salamat sa walang sawang pagbisita sa blog ko. Inom na lang tayo!

Anonymous said...

INOM BA? SIGE-SIGE SAN-SAN? GO AKO JAN SIS! HAHA. DITO LANG AKO SA TIMOG. HEHE

Unknown said...

TONI...

bakit ang lungkot lungkot naman ng post mo... hay.. ganun mo ba sya ka miss? e bakit nung tumawag hindi mo sinagot at least 3 beses , kahit isa nasagot mo di ba?

lumalayo ka na ba sa kanya? ayaw mo na b? dami ko namang tanong...

teka, nanliligaw ba sya?

la lang. ayaw ko kasing malungkot ka....

Unknown said...

sama ako sa inuman! hahahaha

Toni said...

@ron
ikakasal na kasi sya ron...there was a time na pumayag akong maging GF nya kahit alam kong engaged na sya and syempre I realized it ain't right so I broke up with him pero yun nga he still haunts me...

I am trying to forget him,kala ko I'm doin a good job on that...di pala kasi isang call lang o message nya eh, sobrang affected pa rin ako...

Anyway sige! INOM tayo! Libre mo ha?! hehehe

Roland said...

ano bang meron sya na wala ako? ...bakit hanggang ngayon di mo pa rin sya nakakalimutan ...samantalang ako, kung kailan mo lang gus2 kausapin saka mo lang ako ipi-pm? ...palagi na lang akong naghihintay na tapunan mo kahit konting atensyon.

tama na ang drama... time to move on my friend... daming mabibingwit kung magtiyaga-tiyaga ka lang. :P

kung hindi ka lalandi walang mangyayari sayo. dapat lumandi ka din! -Bob Ong

madjik said...

ako din sama sa inuman!! haha!

kelan? kelan?

gillboard said...

Ano itong inuman na nababasa ko?

Tungkol sa post mo, hay... mawawala din ang sakit. Bigyan mo lang ng konting panahon.

paperdoll said...

usapang emotera ba toh? sama aco sa inuman ah!? sagot co kwento. . lol

alam mo mare mejo malapit jan ang naranasan co. . mas ok pa nga yang seo eh. . haha. . pero di co na kukwento kasi nakakahiya. .lol

tama si roland. . move on. . kailangan co ring maglande. .tara samahan kita. . hehe

kung ayaw mo na talaga sya maging part ng buhay mo alisin mo na lahat ng pwedeng makaalala sa kanya sayo. . kung yang selpon mo eh bigay nya, ibato mo dito. .sasaluhin co :-P

Toni said...

@roland

oist,tumigil ka nga dyan...ayoko na sa may sabit,ok? hahaha

kailan ka uwe?ikaw ang magpainom!

Toni said...

@madjik

sama ka? sagot mo kanta ha? ikaw ang magiging songer namin! yay!hahaha

Toni said...

@gillboard

oh well yun na nga lang gagawin ko...will try to move on...

sama ka sa inuman ha?!

Toni said...

@manika

yeah bakit kasi some guys would make u fall tapos di ka naman sasaluhin di ba? *sigh

gentle said...

ang lupet naman ng monologue. touched ako, ramdam hanggang sa kaibuturan ng aking... :)

onatdonuts said...

parang kailan lang, nagkausap tayo...di mo man lang naikwento ito, hehe

kaya mo yan..move on na para masaya.
wag kana iyak. ok

Abou said...

ang title dapat ng post na ito ay Laklak

Anonymous said...

ayee. may nagmomoment. dapat may background to yung kanta ni bugoy yung "pano na kaya?"

wag na lang siya, kung nasasaktan ka naman there's a lot of fishes in the sea...

MysLykeMeeh said...

aye!nakakatouch naman ini!

Forbidden love ba kaya? Naku, puede ka pala sa pilekula, u don't need an onions to make u cry...baliktad pala tayo kaya medyo i can't relate to the crying part! Talaga? ur tears are like a faucet? Hmnn!

Take care!

Toni said...

@gentle

tagos ba? hahaha...thanks sa pagdaan.

@nats

yaan mo di na ako iyak..last na yun..wala ng lingunan.hehe

@abou

iedit ko title wag ka mag alala! magpainom ka sa bday mo ah! hahaha!

@icka

yeah samahan mo ako mag fishing ha?! hehe

@mys lyk meeh

yeah babaw luha ko e. thanks sa pagdaan..

Anonymous said...

hi toni. my first time on your site and ito ang unang kumuha ng atensyon ko. in a way nakaka-relate din ako dun sa blog mo. yun nga lang the other way around. hahaha! pero i admit na sobrang nasaktan din ako lalo na't alam kong mahirap talagang abutin ang bituin. kaya pag-eemote lang din ang kaya kong gawin. hehehe! anyway, add kita sa blogroll ko ha. sana makabisita ka rin sa kin ng may makasama ako sa pag-eemote. :)