Palpak...lagi na lang

Everywhere I'm turning, nothing seems complete. I stand up and I'm searching for the better part of me...
Mula pa nung maliit ako, nagtataka ako kung bakit lagi na lang akong naiiba? Minsan, nagbigayan ng free booklet, lahat ng kaklase ko kulay asul ang sa kanila, pagdating sakin...berde...bakit? Nagkataon lang ba yun? Sinadya? O sadyang pinaglalaruan ako ng mga pangyayari.

Makulay ang buhay ko, sabi nga dun sa komersyal parang 'gulay'. Di ko kilala ang tunay kong ama. Akala ko ang nanay ko kapatid ko, ate ko. Lumaki ako sa mga lola ko. Nung kinder ako, iba apelyido ko. Nung nag elementarya ako, nag-iba ulet. Nakakalito. Pero di na ako nagtanong. Para ano pa di ba? Kung iniwan ako ng ama ko, isa lang ibig sabihin nun, ayaw nya sakin. Bakit ko ipipilit ang sarili ko? Kung may pagtingin sya sakin bilang anak , sana inalam man lang nya kung anong naging buhay ko.

Palpak? Ganun na lang ako palagi. Sa pagpili ng kurso, sa mga napapasukang trabaho, sa mga kaibigan at ano pa nga ba pati sa pagpili ng lalaking mamahalin. Yung gusto ko, di na puwede, meron ng may-ari ng puso nya. Wala na akong ginawang tama. Masyado ng marami ang mali ko.Madalas. Paulit-ulit.

Sabi nila, sa kahit anong problema ,isang tao lang ang makakatulong sa'yo - yun ay ang sarili mo! Bilangin ko daw ang mga biyayang natatanggap ko. Bigyang pansin ang mga taong nagmamahal sakin. Sa ganung paraan, mararamdaman kong 'blessed' ako. Alam ko naman yun.

Pagdating sa pamilya ako, alam kong mapalad ako. Pero may kulang. Parang isang 'puzzle' na kulang ng mga piraso na hindi mabuo-buo. Hungkag ang pakiramdam ko.

Meron din 'daw' taong nakalaan para sakin, hintayin ko lang. Maghintay? Hanggang kailan? Ano bang kulang? May itsura naman ako. Madaming nagsasabi may talino din naman. Di naman mabaho hininga ko. Sabi ng isang kaibigan, siguro naligaw lang ang prinsipe ko at hindi mahanap ang daan patungo sakin,'kalokohan un'! Di ko naman kailangan ng isang prinsipe. Simple lang naman ang gusto ko, ung lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako.

Ang daming kulang na piraso sa 'puzzle' ng buhay ko. Minsan sinabi ko rin sa sarili ko, 'I don't need another half to make me whole' . Hindi pala ganun ang buhay. Gusto ko naman maranasan na maging 'BUO' kahit minsan lang...

Kailan kaya yun?




4 have spoken:

Roland said...

naiinip knb? hehehe..

wait ka lang, dahil may nakalaang "pag-ibig" din para sau. i dont think naging palpak ang mga desisyun mo sa buhay. kung ano mang meron ka, lahat iyon bigay sau nung nasa itaas. its up to you na lang kung paano mo itra-trato. sa paraang iyon, saka susunod iyong ibang magagandang bagay na nakalaan lamang para sayo. we make our own destiny, right?

i wish you all the best.


===
tnx sa advise nung time na nagugulumihanan ako. i appreciate it.

Toni said...

hey idol, salamat. well yeah medyo naiinip na nga pero ok lang baka nasa 'factory' pa ung para sakin...lol

I used to say to myself, di naman minamadali un, kusang darating pero I should just not sit and wait di ba?
Ewan, I'll just enjoy whatever it is that I have for now.

Abou said...

Isipin mo na lang kung ano ang silbi ng buhay kung perpekto ang lahat at walang mali...

Toni said...

@abou: tama po kayo diyan..naiisip ko naman yan.life won't be as fun kung walang pit stops...

salamat sa pagdaan. :)