Loving is not owning

mahal kita
kahit alam kong ikakasal ka na
di ko alam kung panong nangyari,
pag-ibig kong ito'y umusbong ng walang sabi sabi

mahal mo ako, mahal mo sya
puso ba'y puwedeng magmahal sa dalawa?
sa puso mo'y sya ang una
tanggap ko ito mula pa sa umpisa

ikaw man ang buhay ko
ako ay handang magsakripisyo para sa ikaliligaya mo

alam kong di mo gusto na ako'y saktan
pag-ibig nati'y gusto mo ring pagbigyan
bakit ba naging huli ang lahat?
mga mata ko'y pilit minumulat

ito man ay mali
naging maligaya ako sa bawat sandali
konting pagtingin na sa aki'y ibinigay
aking alalahanin habambuhay

8 have spoken:

Roland said...

awww... kakalungkot naman... hey maraming isda sa dagat... wag mong ibaling ang atensyon mo sa isang taong hindi ka naman kayang tapunan nito.

Toni said...

lan, easier said than done pero uu naman...dami dyan, laki lang siguro ng butas ng lambat ko kaya nakakawala...hahaha

salamat idol!

onatdonuts said...

hahaha

tama si roland...andito ako! joke joke joke! hahaha

nakakalungkot naman ang yan...ikakasal na ang iyong mahal. Wala na tayong magagawa diyan kundi ang maging masaya para sa kanya. Darating din naman ang panahon na mararanasan mo rin ang tunay na kaligayahan...

Toni said...

hi onats salamat sa pagbisita.
hhhmmm joke? puwede bang seryosohin?

hahahaha

Bryan Anthony the First said...

korek
love is never owning
love is giving away and receiving

lucas said...

hays... i couldn't agree more. love is not possession. requires sacrifice and doesn't 'expect' anything in return... :) is this fiction or it actually happened... to you?

---

thanks for the comment :) hays... i love smallville. ahh... maka-tom welling ka pala. adik din yung bestfriend ko sa kanya especially when he goes all topless. tama ba? hahaha! siguro di ko matitiyagang panoorin ang smallville without kristin kreuk. hehe!

Anonymous said...

lungkot niyan...

Toni said...

@bryan
yeah love should be unconditional and sacrificial at times.thanks for dropping by.:)

@roneiluke
hindi po fiction.it actually happened to me.hehehe emote ba?
anyway,taken na kasi si Tom Welling.Lahat na lang gusto ko taken na...lol

@joshmarie
yeah malungkot.ganun talaga eh. sanayan lang siguro.
salamat sa pagdaan.:)