Selos?

Why do we fall for someone who isn’t really for us? Should we blame ourselves for falling with the wrong one? Or should we blame the one we fell in love because he made us feel that they’re the right one?

Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko ito gusto. Bakit nasasaktan ako ngayon na alam kung may iba ka ng kinakausap? Ano ba kita? Alam ko hindi naman tayo…Sinabi ko pa nga sa’yo na parang kapatid na ang tingin ko sa’yo…na ‘kuya’ kita pero bakit ang sakit sakit? Ako pa ang nagpakilala sa inyo…sabi ko sa sarili ko bagay kayo…na kailangan mo na ring maging masaya. Marami ka ng pagsubok na pinagdaanan at ang puso mo’y maraming beses na ring nasaktan. Sabi mo sa’kin takot kang sumubok muli sa isa pang posibleng relasyon pero sa kanya nagbago lahat yun at handa kang sumugal.

Oo, masakit! Pero para sa’yo kakayanin ko. Hindi ako lalayo para kalimutan ka. Mas masarap isipin na masaya ang mahal mo sa piling ng iba kesa naman nasa iyo ngunit hindi naman sya maligaya. Sabi nga nila, ‘pag handa ka na magmahal, dapat handa ka na ring masaktan’ . Masarap magmahal. Masakit masaktan.

Nandito pa rin ako kahit na wala na akong magawa kundi huminga sa ‘king bibig sa bigat ng aking nararamdaman. Alam ko lilipas din ito at matatangap sa mga darating na mga araw na hindi tayo para sa isa’t isa.


5 have spoken:

Roland said...

ok toh ah! ...para naman sanay-sanay ka ng mag-sulat... di tulad ko, nag a adjust pa rin... everyday still learning to improve my writings.

keep it up.

Toni said...

nyeks...feeling ko nga trying hard ako magsulat eh...ang galing mo kaya! kaya nga 'idol' kita eh. nag-uumpisa pa lang ako...nakatsamba lang siguro...anyways salamat sa pagdaan...feeling ko ikaw lang naman ang nagdadaan eh. hehe

onatdonuts said...

huwaw! pangteleserye ang mga linya mo toni!

nag-aalab ang iyong damdamin...ramdam ko ang kirot sa iyong puso. Ganun talaga ang umiibig, dapat hindi ka makasarili. Kahit napakasakit kuya eddie...

nga pla, isa itong patunay na hindi lamang si roland ang dumadaan sa blog mo...andito naman ako, hehe salamat at ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat patuloy akong magbabasa.

Myk2ts said...

ako den nakidaan :)

i so love the "natulog ka ngunit kulang"

pwede din pala ang "pinulot ka lang sa muta"

:) nice blog :)

Toni said...

@onat:huwaw din grabe may nagtatyaga pala dumaan dito sa munti kong palasyo...lol. thanks sana wag kang matapilok sa susunod mong pagdaan...lol

@myk2ts: thanks sis, I appreciate ung pagbisita mo...:)
lagi ksi talaga kong bitin sa tulog..hehehe