Sweet Misery

Nagsimula sa simpleng pag-uusap. Isang magandang pagkakaibigan ang namuo sa ating dalawa. Una pa lang naging tapat ka na sa akin. Sinabi mo na may nagmamay-ari na ng iyong puso. In fact, you are already engaged. Tanggap ko ito at di na umasa pang may posibleng mangyari sa atin beyond friendship.

Pero iba ka. Everyday I get to like you more. We can talk about even the nonsense things in the world and still end up laughing. We can talk for hours and hours without boring each other.

Yun yata ang sinasabi nilang 'connection'. Everyday I look forward to talking to you. You squeeze the thoughts in my head. With you, there are no dull moments. Your everyday 'sms' delights me. You inspire and bring out the best in me. I wanna look good everyday kahit na di mo naman ako nakikita.


Gusto kong isipin na may pagtingin ka rin sakin but I was also thinking na you were just being nice and polite.

Until that day you asked me to be your 'girlfriend'.
Tama ba yung narinig ko?
You wanted me to be your girlfriend.
I got confused. Sinasabi ng utak ko, mali! Hindi tama! Pero tumatalon naman ang puso ko sa tuwa.
Tinanong mo kung ok lang at tanggap ko ang sitwasyon.Ok? Kailan pa naging ok yun? It's just not damn fair!Sabi yun ng utak ko. Mali! Hindi tama! Unfair!

Pero eto ako ngayon, my heart ruled over my head. Tinanggap ko. I am now your girlfriend. Sabi ko I can love unconditionally, yung walang ini-expect in return. I am ready for the consequences. Kung ano lang ang kaya mong ibigay, ayos lang.

Masaya ba ako? Yes I am. Pero hanggang kailan?

Call me fool, call me whatever you want. I don't really care. Basta alam ko mahal kita at I won't get tired of showing and letting you know about it. Kahit sa sandaling panahon lang, kahit sa pansamantalang pagkakataon lang.

Next month na ang kasal mo. Paano na ako? Iiwan mo na ba ako?
Anuman ang maging desisyon mo, I am ready for it.
Kaya ko. Kakayanin ko.


I know I cannot make someone love me forever, all I can do is love that someone with all my heart...
The rest is up to the person to realize my worth...

Loving is not owning

mahal kita
kahit alam kong ikakasal ka na
di ko alam kung panong nangyari,
pag-ibig kong ito'y umusbong ng walang sabi sabi

mahal mo ako, mahal mo sya
puso ba'y puwedeng magmahal sa dalawa?
sa puso mo'y sya ang una
tanggap ko ito mula pa sa umpisa

ikaw man ang buhay ko
ako ay handang magsakripisyo para sa ikaliligaya mo

alam kong di mo gusto na ako'y saktan
pag-ibig nati'y gusto mo ring pagbigyan
bakit ba naging huli ang lahat?
mga mata ko'y pilit minumulat

ito man ay mali
naging maligaya ako sa bawat sandali
konting pagtingin na sa aki'y ibinigay
aking alalahanin habambuhay

I was looking at the waves and thinking…

Been to Manila Bay and I was looking at the waves and thinking that despite the chaos of the moment I was happy. You see my life had been in quite a bit of turmoil for the past few weeks and the ocean was just what I needed. It reminded me that amidst life’s storms there is a certain order to life, an ebb and a flow. Right now was a moment that just like a wave would be gone in but a moment. I realized that it is important to enjoy the rough times as well as the smooth; otherwise, life would be simply a sand dune instead of a beach. I was happy and that was all that mattered because despite what had occurred I know that how I responded to the moment was more important that the moment itself. I cannot change the ocean in life but I can ride the waves. There will be moments when I am on top and there will be moments when I will be crushed, but as long as I come up for air and breathe…just breathe, then I know that life will go on.

I will be happy because I made my mind up long ago that I choose to live life and not to let life live me.

I am done waiting and so I breathe…just breathe.

I am still breathing and that some days breathing is all that matters.


Palpak...lagi na lang

Everywhere I'm turning, nothing seems complete. I stand up and I'm searching for the better part of me...
Mula pa nung maliit ako, nagtataka ako kung bakit lagi na lang akong naiiba? Minsan, nagbigayan ng free booklet, lahat ng kaklase ko kulay asul ang sa kanila, pagdating sakin...berde...bakit? Nagkataon lang ba yun? Sinadya? O sadyang pinaglalaruan ako ng mga pangyayari.

Makulay ang buhay ko, sabi nga dun sa komersyal parang 'gulay'. Di ko kilala ang tunay kong ama. Akala ko ang nanay ko kapatid ko, ate ko. Lumaki ako sa mga lola ko. Nung kinder ako, iba apelyido ko. Nung nag elementarya ako, nag-iba ulet. Nakakalito. Pero di na ako nagtanong. Para ano pa di ba? Kung iniwan ako ng ama ko, isa lang ibig sabihin nun, ayaw nya sakin. Bakit ko ipipilit ang sarili ko? Kung may pagtingin sya sakin bilang anak , sana inalam man lang nya kung anong naging buhay ko.

Palpak? Ganun na lang ako palagi. Sa pagpili ng kurso, sa mga napapasukang trabaho, sa mga kaibigan at ano pa nga ba pati sa pagpili ng lalaking mamahalin. Yung gusto ko, di na puwede, meron ng may-ari ng puso nya. Wala na akong ginawang tama. Masyado ng marami ang mali ko.Madalas. Paulit-ulit.

Sabi nila, sa kahit anong problema ,isang tao lang ang makakatulong sa'yo - yun ay ang sarili mo! Bilangin ko daw ang mga biyayang natatanggap ko. Bigyang pansin ang mga taong nagmamahal sakin. Sa ganung paraan, mararamdaman kong 'blessed' ako. Alam ko naman yun.

Pagdating sa pamilya ako, alam kong mapalad ako. Pero may kulang. Parang isang 'puzzle' na kulang ng mga piraso na hindi mabuo-buo. Hungkag ang pakiramdam ko.

Meron din 'daw' taong nakalaan para sakin, hintayin ko lang. Maghintay? Hanggang kailan? Ano bang kulang? May itsura naman ako. Madaming nagsasabi may talino din naman. Di naman mabaho hininga ko. Sabi ng isang kaibigan, siguro naligaw lang ang prinsipe ko at hindi mahanap ang daan patungo sakin,'kalokohan un'! Di ko naman kailangan ng isang prinsipe. Simple lang naman ang gusto ko, ung lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako.

Ang daming kulang na piraso sa 'puzzle' ng buhay ko. Minsan sinabi ko rin sa sarili ko, 'I don't need another half to make me whole' . Hindi pala ganun ang buhay. Gusto ko naman maranasan na maging 'BUO' kahit minsan lang...

Kailan kaya yun?