Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan.Ang hirap mag-isip pag ganitong hindi mo alam kung anong una mong gagawin.Hindi ako maka-focus sa gusto kong isulat. Una, dahil nasa trabaho ako...ring dito, ring doon ang mga telepono, samahan pa ng pamaya't mayang sigaw ng amo ko. Gusto ko sanang maging maganda ang simula ng blog na ito. Pero paano ko gagawin?
Siguro dapat ko munang pasalamatan ang taong nagbigay ng inspirasyon sakin para simulan ang blog na ito. Masarap nga namang meron kang napapagbuhusan ng nararamdaman mo sa araw-araw na pahirap sa buhay kahit man lang sa pagta-type sa kompyuter ng iyong mga saloobin. Para ka na ring may kaibigan na napapagdaingan ng mga hinaing mo sa buhay. Di ko naman sinasabi na puro sama ng loob ang isusulat ko. Meron rin namang masaya at nakakapagpagaan ng pakiramdam.
Kaya sa taong nagbigay sakin ng inspirasyon, ikaw yun Roland - salamat! Akalain mong hindi man lang kita personal na kakilala pero 'you have moved me' - naks. Sa totoo lang ang hirap gawin ito ng purong tagalog kaya ita-taglish ko na lang. Hindi na kinaya ng powers ko, pasensya na.Kita nyo naman first 2 paragraphs purong tagalog pero kumbaga sa mga nahihirapang mag-english...nagdudugo na ang ilong ko. Mahirap din pala.

2 have spoken:
hi, toni... tnx for the kind comments you are putting on my posts... im glad i was able to inspire you to put this blog of your own... hope we'll meet someday.
anyway if you want to put more widget on your site, just visit this >>> http://www.bloggerplugins.org/
i'll add u on my roll as well... keep in touc... see u around!
hey roland!thanks for the comment! un nga eh,medyo kulang kulang pa ung blog ko parang ung user hehehe.No time yet but thanks for sharing the link...Id do that pag medyo di na busy ang lola mo...lol :)
Id surely keep in touch! ;)
Post a Comment