Ikaw...


I am another year older today. Yes, birthday ko ngayon! Dati - rati it was just another day for me. Nothing special. Walang handa. Walang regalo. Usually greetings lang from friends and family ang nakukuha ko. But I don't feel bad about it. Ok lang. Ganun talaga. I am just thankful na God has given me another year. Pero today, iba! I am celebrating the happiest birthday ever! Ganun pa rin, walang handa, walang gimik but I have the most wonderful gift from above...Ikaw!

Ikaw na nagmamahal sa akin ng buong puso.
Ikaw na nagbibigay inspirasyon sa kin.
Ikaw na nagbibigay kulay sa dati kong black and white na mundo.
Ikaw na dahilan ng mga ngiti ko sa labi.
Ikaw na dahilan kung bakit gusto ko gumising sa madaling araw.
Ikaw na dahilan kung bakit gusto ko mag-diet.
Ikaw na dahilan kung bakit gusto ko magpa-rebond ng buhok.
Ikaw na handa akong gawin lahat para sa ikaliligaya mo.
Ikaw na dahilan ng taimtim kong pagdarasal para sa tuluyan mong paggaling.
Ikaw na dahilan ng pagiging malawak ng aking pang unawa.
Ikaw na dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko, ng bawat kilig, ng lahat ng antisipasyon.
Ikaw na bigay ng maykapal.
Ikaw na lahat lahat sa buhay ko ngayon...at ikaw na dahilan ng pagsusulat kong muli.

Salamat mahal ko! Salamat sa ligayang dulot ng pagmamahal mo. Di mahalaga yung sasabihin ng iba, basta mahal kita. Wag ka ng mag-isip pa dahil handa akong tanggapin kung ano ka. Basta't para sayo ako'y magmamahal muli, handa akong masaktan kahit paulit-ulit. Masaktan man ako, di na mahalaga dahil di naman mapapantayan ang kaligayahan ko sa piling mo.

Ikaw ang aking mahal...
Ang panghabangbuhay kong kaibigan...
At sa bawat araw na nagdaraan, lalo lamang tumitindi ang pananabik kong mahalin ka ng lubos!





2 have spoken:

RonTuron said...

haberdey TONI!!!

toni toni poponi
bananabana poponi..
bebap poponi!

TOOONNNIIIII!!!!

haha!

lang taon ka na?

Toni said...

hey turones! thank u! I am now 31 years old! hahahaha!