Leave me alone muna...





yan na yata ang pinakamasakit na sinabi mo sakin... leave u alone??? ano ba nagawa ko? I just wanted to spend time with you. kasalanan ko ba if things are not working the way we expect them to be?? I know it's not pero you made me feel na kasalanan ko. you make me feel guilty. ang alam ko lang naman na kasalanan ko e mahalin ka.


you should've not asked me to be your girlfriend...regrets? yeah now I regret accepting your offer. hindi dahil nagsisisi ako kundi dahil sobra mo na kong nasasaktan. sabi ko sa sarili ko 'ok lang'...it's the same level of pain anyway...having you in this situation and not having you at all. at least with this, I can show you how much I feel for you and we both make each other happy pero habang tumatagal parang lamang na ang pain. sabi ko kaya ko. mindset lang. pinasok ko 'to na alam ko mula pa sa umpisa so dapat kaya kong harapin ang consequences.

nakikita ko naman ang effort mo, nararamdaman ko naman na mahal mo din ako. we look forward on so many things together pero di na yata mangyayarin yun. malabo ng mangyari. simpleng negatibong sitwasyon na hindi ko naman kasalanan, you pushed me away. to think na ang kabutihan mo pa ang lagi kong iniisip...i don't want you to get into any trouble. you almost got into a mess at ayokong mangyari ulit yun.

alam mong sa mga panahong ito, sa yo lang umiikot ang mundo ko. lahat ng ginagawa ko ay dahil sa inspirasyon na dulot mo. masaya ako sa 'yo. di ako humihingi ng sobra. kinakaya ko lahat. di ko alam kung hanggang kailan, hanggang saan. sabi ng isip ko ayoko na but my heart keeps on fighting for you. ang sakit isipin na you can easily push me away. wala lang pala ako sa'yo.