Sweet Misery

Nagsimula sa simpleng pag-uusap. Isang magandang pagkakaibigan ang namuo sa ating dalawa. Una pa lang naging tapat ka na sa akin. Sinabi mo na may nagmamay-ari na ng iyong puso. In fact, you are already engaged. Tanggap ko ito at di na umasa pang may posibleng mangyari sa atin beyond friendship.

Pero iba ka. Everyday I get to like you more. We can talk about even the nonsense things in the world and still end up laughing. We can talk for hours and hours without boring each other.

Yun yata ang sinasabi nilang 'connection'. Everyday I look forward to talking to you. You squeeze the thoughts in my head. With you, there are no dull moments. Your everyday 'sms' delights me. You inspire and bring out the best in me. I wanna look good everyday kahit na di mo naman ako nakikita.


Gusto kong isipin na may pagtingin ka rin sakin but I was also thinking na you were just being nice and polite.

Until that day you asked me to be your 'girlfriend'.
Tama ba yung narinig ko?
You wanted me to be your girlfriend.
I got confused. Sinasabi ng utak ko, mali! Hindi tama! Pero tumatalon naman ang puso ko sa tuwa.
Tinanong mo kung ok lang at tanggap ko ang sitwasyon.Ok? Kailan pa naging ok yun? It's just not damn fair!Sabi yun ng utak ko. Mali! Hindi tama! Unfair!

Pero eto ako ngayon, my heart ruled over my head. Tinanggap ko. I am now your girlfriend. Sabi ko I can love unconditionally, yung walang ini-expect in return. I am ready for the consequences. Kung ano lang ang kaya mong ibigay, ayos lang.

Masaya ba ako? Yes I am. Pero hanggang kailan?

Call me fool, call me whatever you want. I don't really care. Basta alam ko mahal kita at I won't get tired of showing and letting you know about it. Kahit sa sandaling panahon lang, kahit sa pansamantalang pagkakataon lang.

Next month na ang kasal mo. Paano na ako? Iiwan mo na ba ako?
Anuman ang maging desisyon mo, I am ready for it.
Kaya ko. Kakayanin ko.


I know I cannot make someone love me forever, all I can do is love that someone with all my heart...
The rest is up to the person to realize my worth...

Loving is not owning

mahal kita
kahit alam kong ikakasal ka na
di ko alam kung panong nangyari,
pag-ibig kong ito'y umusbong ng walang sabi sabi

mahal mo ako, mahal mo sya
puso ba'y puwedeng magmahal sa dalawa?
sa puso mo'y sya ang una
tanggap ko ito mula pa sa umpisa

ikaw man ang buhay ko
ako ay handang magsakripisyo para sa ikaliligaya mo

alam kong di mo gusto na ako'y saktan
pag-ibig nati'y gusto mo ring pagbigyan
bakit ba naging huli ang lahat?
mga mata ko'y pilit minumulat

ito man ay mali
naging maligaya ako sa bawat sandali
konting pagtingin na sa aki'y ibinigay
aking alalahanin habambuhay

I was looking at the waves and thinking…

Been to Manila Bay and I was looking at the waves and thinking that despite the chaos of the moment I was happy. You see my life had been in quite a bit of turmoil for the past few weeks and the ocean was just what I needed. It reminded me that amidst life’s storms there is a certain order to life, an ebb and a flow. Right now was a moment that just like a wave would be gone in but a moment. I realized that it is important to enjoy the rough times as well as the smooth; otherwise, life would be simply a sand dune instead of a beach. I was happy and that was all that mattered because despite what had occurred I know that how I responded to the moment was more important that the moment itself. I cannot change the ocean in life but I can ride the waves. There will be moments when I am on top and there will be moments when I will be crushed, but as long as I come up for air and breathe…just breathe, then I know that life will go on.

I will be happy because I made my mind up long ago that I choose to live life and not to let life live me.

I am done waiting and so I breathe…just breathe.

I am still breathing and that some days breathing is all that matters.


Palpak...lagi na lang

Everywhere I'm turning, nothing seems complete. I stand up and I'm searching for the better part of me...
Mula pa nung maliit ako, nagtataka ako kung bakit lagi na lang akong naiiba? Minsan, nagbigayan ng free booklet, lahat ng kaklase ko kulay asul ang sa kanila, pagdating sakin...berde...bakit? Nagkataon lang ba yun? Sinadya? O sadyang pinaglalaruan ako ng mga pangyayari.

Makulay ang buhay ko, sabi nga dun sa komersyal parang 'gulay'. Di ko kilala ang tunay kong ama. Akala ko ang nanay ko kapatid ko, ate ko. Lumaki ako sa mga lola ko. Nung kinder ako, iba apelyido ko. Nung nag elementarya ako, nag-iba ulet. Nakakalito. Pero di na ako nagtanong. Para ano pa di ba? Kung iniwan ako ng ama ko, isa lang ibig sabihin nun, ayaw nya sakin. Bakit ko ipipilit ang sarili ko? Kung may pagtingin sya sakin bilang anak , sana inalam man lang nya kung anong naging buhay ko.

Palpak? Ganun na lang ako palagi. Sa pagpili ng kurso, sa mga napapasukang trabaho, sa mga kaibigan at ano pa nga ba pati sa pagpili ng lalaking mamahalin. Yung gusto ko, di na puwede, meron ng may-ari ng puso nya. Wala na akong ginawang tama. Masyado ng marami ang mali ko.Madalas. Paulit-ulit.

Sabi nila, sa kahit anong problema ,isang tao lang ang makakatulong sa'yo - yun ay ang sarili mo! Bilangin ko daw ang mga biyayang natatanggap ko. Bigyang pansin ang mga taong nagmamahal sakin. Sa ganung paraan, mararamdaman kong 'blessed' ako. Alam ko naman yun.

Pagdating sa pamilya ako, alam kong mapalad ako. Pero may kulang. Parang isang 'puzzle' na kulang ng mga piraso na hindi mabuo-buo. Hungkag ang pakiramdam ko.

Meron din 'daw' taong nakalaan para sakin, hintayin ko lang. Maghintay? Hanggang kailan? Ano bang kulang? May itsura naman ako. Madaming nagsasabi may talino din naman. Di naman mabaho hininga ko. Sabi ng isang kaibigan, siguro naligaw lang ang prinsipe ko at hindi mahanap ang daan patungo sakin,'kalokohan un'! Di ko naman kailangan ng isang prinsipe. Simple lang naman ang gusto ko, ung lalaking mamahalin ko at mamahalin din ako.

Ang daming kulang na piraso sa 'puzzle' ng buhay ko. Minsan sinabi ko rin sa sarili ko, 'I don't need another half to make me whole' . Hindi pala ganun ang buhay. Gusto ko naman maranasan na maging 'BUO' kahit minsan lang...

Kailan kaya yun?




Selos?

Why do we fall for someone who isn’t really for us? Should we blame ourselves for falling with the wrong one? Or should we blame the one we fell in love because he made us feel that they’re the right one?

Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko ito gusto. Bakit nasasaktan ako ngayon na alam kung may iba ka ng kinakausap? Ano ba kita? Alam ko hindi naman tayo…Sinabi ko pa nga sa’yo na parang kapatid na ang tingin ko sa’yo…na ‘kuya’ kita pero bakit ang sakit sakit? Ako pa ang nagpakilala sa inyo…sabi ko sa sarili ko bagay kayo…na kailangan mo na ring maging masaya. Marami ka ng pagsubok na pinagdaanan at ang puso mo’y maraming beses na ring nasaktan. Sabi mo sa’kin takot kang sumubok muli sa isa pang posibleng relasyon pero sa kanya nagbago lahat yun at handa kang sumugal.

Oo, masakit! Pero para sa’yo kakayanin ko. Hindi ako lalayo para kalimutan ka. Mas masarap isipin na masaya ang mahal mo sa piling ng iba kesa naman nasa iyo ngunit hindi naman sya maligaya. Sabi nga nila, ‘pag handa ka na magmahal, dapat handa ka na ring masaktan’ . Masarap magmahal. Masakit masaktan.

Nandito pa rin ako kahit na wala na akong magawa kundi huminga sa ‘king bibig sa bigat ng aking nararamdaman. Alam ko lilipas din ito at matatangap sa mga darating na mga araw na hindi tayo para sa isa’t isa.


Fears and Rejections

Have you ever wondered which hurts the most; saying something and wishing you had not, or saying nothing and wishing you had? I guess the most important things are the hardest things to say. Don't be afraid tell to someone you love them. If you do, they might break your heart... but if you don't, you might break theirs.

Have you ever decided not to become a couple because you were so afraid of losing what you already had with that person? Your heart decides whom it likes and whom it doesn't. You can't tell your heart what to do. It does it on its own.... when you least suspect it, or even when you don't want it to.

Have you ever wanted to love someone with everything you had, but that other person was too afraid to let you? Too many of us stay walled because we are too afraid to care too much...for fear that the other person does not care as much, or at all.

Have you ever denied your feelings for someone because your fear of rejection was too hard to handle? What we don't know, afraid of what others will think afraid of what will be found out about us. But every time we tell a lie.... the thing we fear grows stronger. Life is all about risks and it requires you to jump. Don't be a person who has to Look back and wonder what they would have, or could have had. No one waits forever...

Paano ko ba sisimulan?

Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan.Ang hirap mag-isip pag ganitong hindi mo alam kung anong una mong gagawin.Hindi ako maka-focus sa gusto kong isulat. Una, dahil nasa trabaho ako...ring dito, ring doon ang mga telepono, samahan pa ng pamaya't mayang sigaw ng amo ko. Gusto ko sanang maging maganda ang simula ng blog na ito. Pero paano ko gagawin?

Siguro dapat ko munang pasalamatan ang taong nagbigay ng inspirasyon sakin para simulan ang blog na ito. Masarap nga namang meron kang napapagbuhusan ng nararamdaman mo sa araw-araw na pahirap sa buhay kahit man lang sa pagta-type sa kompyuter ng iyong mga saloobin. Para ka na ring may kaibigan na napapagdaingan ng mga hinaing mo sa buhay. Di ko naman sinasabi na puro sama ng loob ang isusulat ko. Meron rin namang masaya at nakakapagpagaan ng pakiramdam.

Kaya sa taong nagbigay sakin ng inspirasyon, ikaw yun Roland - salamat! Akalain mong hindi man lang kita personal na kakilala pero 'you have moved me' - naks. Sa totoo lang ang hirap gawin ito ng purong tagalog kaya ita-taglish ko na lang. Hindi na kinaya ng powers ko, pasensya na.Kita nyo naman first 2 paragraphs purong tagalog pero kumbaga sa mga nahihirapang mag-english...nagdudugo na ang ilong ko. Mahirap din pala.