Nagising akong disoriented na naman sa oras at panahon. Blanko ang isip ko. Ni hindi ko maalala kung ano ang huli kong ginawa. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko naalala ang lahat.
Nag-umpisa na naman dumaloy ang luha sa aking mga mata. Ang hapdi na sobra ng mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Ang sakit sakit sobra. Sabihin man ng lahat na OA na pero wala akong magawa. Kahit ako mismo pakiramdam ko OA na sobra. Pero ayaw pa rin tumigil ang mga matang to sa pagluha. Ilang sandali pa nakaramdam ako ng pananakit ng sikmura. Di pa pala ako kumakain simula kahapon. Naghilamos ako at tinignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang at sanay na ang mga magulang ko sa ganitong itsura ng mga mata ko. Hindi na nila ako uusisain kung bakit namamaga na naman ang mga ito.
Pinilit kong kumain kahit wala akong gana. Halos di ko malunok ang pagkain sa bibig ko. Kung pwede lang na hindi na kumain. Wala talaga akong gana.
Bakit ganito nararamdaman ko? Kahapon kasi ng mag online ako, nagulat ako ako sa nakita ko...offline messages at missed calls galing sa'yo. Sabi mo namimiss mo ako. Parang gripo ang pag agos ng luha sa aking mga mata. Niyakap ko ang akin unan at nahiga. Miss na miss na kita…Napansin kong nagbblink ang cellphone ko kaya bumangon akong muli para tignan ang cellphone ko. Nung i-check ko, “3 missed calls” galing sayo. Bakit ka tumatawag? Assuming lang ba ako na namimiss mo na akong kausap?
Nag-usap tayo sandali. Inamin ko na rin ang ilang araw ko ng nararamdaman. Masama ang pakiramdam ko. Marami akong gustong sabihin sayo… my heart is bleeding everytime na kailangan kitang i-deny… Bakit ba mahal kita? Bakit ikaw pa?
Bakit kasi hindi puwede? Bakit kung kailan feeling ko na kaya ko na, na makakalimutan din kita, andyan ka na naman...something always brings me back to you.
Gusto ko ako ang nasa tabi mo…. gusto kitang laging nakakausap… gusto kitang makasama… gusto kitang mayakap… gusto kitang alagaan… gusto kitang pagsilbihan… marami akong gustong gawin para sayo… lahat para sayo… gagawing lahat para SA'YO.
Namiss kita sobra… Iisipin ko na lang na katabi kita habang natutulog ng mahimbing. Yayakapin na lang kita kahit sa isip ko lang hanggang sa makatulog na rin ako. Sana kahit malayo ako ay maramdaman mo ang mga yakap ko… Mahal na mahal kita…
You know I always wanna hold you close but it seems too impossible cuz you’re so far from me now… and all I can do is to just keep on imagining and dreaming that someday I can make you mine…. just mine…

